Sunday, August 12, 2012

Bea Binene's "Hey, It's Me Bea!" Album


Nakikipagsabayan si Bea Binene kay Julie Anne San Jose sa pagre-release ng album at mukhang mauuna pang maging available ang album ni Bea sa music stores dahil kahapon available na siya. Ang physical album ni Julie Anne, this week pa lang available dahil binaha ang supplier, kaya inuna sa iTunes.
Released ng Galaxy Records at distributed ng PolyEast Records ang Hey, It’s Me Bea! ang all-revival album.
Ang title track ay original ni Jamie Ri­vera, ang carrier single ay original ni Regine Velasquez. Kasama rin ang remake ng Mahal Kita Walang Iba na duet nila ni Jake Vargas at may solo version siya ng the same song.
Nagsimula na ring mag-promote ni Bea ng kanyang album at sa Aug. 18 at 19, nasa Robinsons Sta. Rosa, Laguna at Starmalls sa Pampanga siya. Mas maganda kung maggi-guest si Jake sa mall tour ni Bea para matuwa ang fans nila. Mabibili ang album for P200 sa inyong favorite music store.
 
Samantala, more good news pa sa fans nina Bea at Jake ang nalaman namin kay German Moreno na after ng Luna Blanca, kung saan si Kris­toffer Martin ang partner ni Bea, ibabalik ng GMA 7 ang love team nila sa next nilang soap. Wait na lang.
 
(Pilipino Star Ngayon / Nitz Miralles)

No comments:

Post a Comment