Friday, August 10, 2012

LJ Reyes, from Kontrabida to Bida



Ano ang naging reaksiyon ni LJ nang malaman niyang bida na siya at pang-primetime pa ang gagawin niyang project?

“Ano… nakaka-pressure siyempre. Kahit papaa
no, negosyo pa rin ‘to. Iisipin mo pa rin ang mga ratings.

“Pero yun nga, sabi nga nila sa akin, hindi naman daw nila ipagkakatiwala sa akin kung hindi nila alam na kaya ko.


“So yun, nakakabawas yun ng pressure sa akin. Pero kailangan sigurong gamitin ko na lang ang pressure para galingan ko na lang.


“Sabi ko nga, magpapakabait at magpapakabait ako lalo at ano, magtatrabahong mabuti at gagalingan lalo," saad niya.




MOTHER ROLE. Dito sa Aso Ni San Roque ay nanay siya ng child actress na si Mona Louise Rey, pero wala raw problema ito sa kanya.


Aniya, “Maganda kasi ang role. Nabasa ko na ang pilot week. Kapag nakita ninyo ang week one, ang ganda.”


Naniniwala si LJ na nakatulong ang ginawa niya sa Intoy Syokoy para mas mabigyan siya ng pansin ng kanyang home network.


Sabi niya, “Malaki talagang tulong kapag nakikita nila.


“Kung hindi ka naman nabibigyan ng project para ipakita mo yung talagang talent mo o skill mo, walang makakaalam.


“Walang makakapagpatunay kung ano yung kaya mong gawin.


“So, thankful din talaga ako sa Intoy Syokoy na napakita ko at marami naman ang nakaramdam.”


(pep.ph) 

No comments:

Post a Comment