Friday, August 10, 2012

More and more Kapamilya stars transfers to GMA7

Sunud-sunod ang lumilipat sa GMA Network galing sa ABS-CBN. Nauna na rito sina Dino Imperial at Roxanne Guinoo, na sinundan ni Agot Isidro at isang direktor na kasalukuyang humahawak ng Protege.

Kumpirmado na rin ang paglipat ni direk Dondon Santos para mag-direk ng Indio, ang epic fantasy at first soap ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7 kasama sina Rhian Ramos at Jennlyn Mercado.

Pipirma na rin ng kontrata sa GMA Artist Center at GMA 7 si Lauren Young na si Pia Magalona ang manager. May aktres din na nagsimula sa Channel 7, lumipat sa Channel 2 at ngayon ay babalik sa Kapuso.

Lilipat din ang guwapong aktor na matagal nang Kapamilya. Hinintay nitong mag-expire ang kontrata sa ABS-CBN, maayos na nagpaalam kung puwede siyang lumipat. Naghanap ng bagong manager at dapat last Tuesday, nakipag-meeting na sila ng bagong manager sa bossing ng Channel 7 pero dahil sa malakas na ulan, hindi natuloy ang kanilang meeting. Pero tuloy na ang kanyang paglipat at may project na agad na gagawin, bukod sa guesting, agad siyang bibigyan ng regular show.

--
The actress is said to be Rica Peralejo and the handsome hunk is Rafael Rosell.

Welcome to the Kapuso Network, guys!

No comments:

Post a Comment